Isang rehiyon sa Australia, binalot ng sapot ng gagamba

Victoria, Australia–  Naging animo’y ghost town ang rehiyon ng Gippsland sa Victoria, Australia matapos itong mabalot ng sapot ng mga gagamba ilang araw matapos ang malawakang pagbaha sa nasabing lugar.

Ayon sa isang propesor ng University of Sydney na si Prof. Dieter Hochuli, ang naturang phenomenon ay tinatawag na “ballooning”  kung saan ang mga gagamba na naninirahan sa ilalim ng lupa ay napipilitang pumunta sa mas mataas na bahagi ng kanilang lungga na normal aniyang nangyayari kapag may malawakang pagbaha.

Dagdag pa ng propesor, tulad nating mga tao, sinusubukan ring isalba ng mga gagamba ang kanilang buhay kaya’t lumilipat ang mga ito ng tirahan upang hindi matangay ng tubig.

Ang uri ng gagamba na kung tawagin ay “arachnids” ang itinuturong nasa likod ng mga sapot na bumalot sa Gippsland, Victoria na nag resulta sa animo’y dagat-dagatang lawak ng mga sapot.

Nitong nakaraang linggo, sinalanta ng bagyo ang Victoria na naging sanhi ng malawakang pagbaha sa lugar na ikinasawi naman ng dalawang indibidwal.|| JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *