Isang samahan: napapanahon nang sumubok ng mga bagong produkto

Pinapayuhan ng isang grupo ng samahan ng mga supermarket owners ang mga mamimili na napapanahon na para sumubok ang mga ito ng ibang produkto mula sa mga nakasanayan na.

Sa panyama ng Brigada News FM Manila kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua, sinabi nito na palagi namang may option sa tuwing hindi napipigilan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Dagdag pa ni Cua, ang kakulangan sa mga manufacturer sa bansa ng ilang mga produkto ang dahilan kung bakit bigo na mapigilan ang market price increase dahil sa imported ang mga ito kaya susunod at susunod ang mga supermarket sa iniatas na halaga.

Kung maalala, una ng kinumpirma ng Department of Trade and Industry na unti-unting magtataasan ang ilang basic and price commodities ngayon taon matapos na magpasa ng petition ang mga manaufacturer.

Una na ring pinangalanan ng naturang Supermarkets Association ang mga produktong hygiene products, alcoholic beverages, cigarettes, sardines, at iba pang produkto ang magtataasan ng presyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *