Isang senador, ibinunyag na noong Disyembre pa nagsimula ang umano’y signature campaign

Disyembre pa lang ay alam na umano ni Sen. Imee Marcos ang tungkol sa People’s Initiative para sa pagsusulong ng charter change.

Pero hindi ibinunyag ng Senadora kung saan niya narinig ang naturang impormasyon.

Nauna ng sinabi ni Sen. Marcos na nagagamit ang programa ng gobyerno kapalit ng mga pirma para sa cha-cha.

Sinabi naman ng Senadora na lahat aniya ng staff ni House Speaker Martin Romualdez ay may kaugnayan sa isyu kaya hindi masisi ang publiko kung bakit ang liderato ng kamara ang tinutumbok.

Ayon pa sa Senadora, P20 milyon na halaga ng social protection o ayuda kada distrito ang alok umano ng mga staff ni Romualdez para makapirma.

Wala pa namang tugon si Romualdez hinggil sa isyu.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *