Isang street level individual, arestado sa Cauayan City

Timbog sa ikinasang drug buy bust operation kagabi ang isang tinaguriang street level individual sa Maloloyon street District 1, Cauayan City .

Dinakip si alyas Sanjo ng pinagsanib na puwersa ng PNP Cauayan at PDEA Region 2 at nakuha sa kaniyang pag iingat ang apat (4) na piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu ( Buy-Bust item); tatlong(3) pakete ng hinihinalang shabu (seized item); Isang (1) piraso ng Isang Libong Piso; (buy bust money); Isang (1) piraso ng sling bag color black; Isang (1) unit ng cellphone Xiaomi Redmi color black; Isang (1) piraso ng one tube type vape ; Isang (1) piraso ng driver’s license at Isang (1) piraso ng bus ticket.

Dinala si alyas Sanjo sa Cauayan CCPS at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *