Isang TV station sa Ecuador, sinalakay ng mga armadong grupo

Sinalakay ng mga armadong grupo ang isang TV station on-air sa Ecuador, sa gitna ng karahasang nangyayari sa buong bansa.

Nag-udyok ito kay Pangulong Daniel Noboa na pangalanan ang 22 gang bilang mga teroristang organisasyon na hahabulin ng militar.

Sa kalaunan ay nailigtas ng pulisya ang mga kawani ng TV at inaresto ang 13 lalaki na sumalakay sa studio ng TC sa isang live na broadcast.

Ayon kay news program deputy director Jorge Rendon, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos at nailigtas sila, lalo na’t naging bayolente ang grupo sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *