Isda na may suot na gintong singsing, natagpuan sa Australia

Laking gulat ng environmental conservationist mula sa Australia na si Susan Prior nang makakita itong ng isang isda  (sand mullet) na may suot na gintong singsing sa katawan habang lumalangoy sa Emily Bay sa Norfolk Island sa Australia.

Bahagi ng ginagawa ni Prior bilang snorkeler at environmental conservationist na sumagip ng mga isda at iba pang lamandagat na na-trap sa mga plastic at iba pang non-biodegradable na basura pero nagulat siya dahil unang pagkakataon niya na makakita ng isda na may singsing sa katawan.

Bago pa mahawakan upang maalis ang singsing na nakasuot sa katawan nito ay nakalangoy na umano ang isda papalayo.

Natunton ni Prior ang may-ari ng singsing na si Nathan Reeves at kinumpirma nito na naiwala niya ang kanyang wedding ring habang lumalangoy.

Patuloy namang nakikipagtulungan si Prior sa grupo ng mga mangingisda upang mahanap ang isda at matulungan ito.

Kaugnay nito, nanawagan si Prior sa publiko na pangalagaan ang kalikasan at iwasan ang pagtatapon ng basura o anumang bagay na makakasama sa iba pang nilikha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *