Patay ang Tagapagsalita ng Islamic State of Iraq and Syria-East-Asia sa isinagawang operasyon Kahapon sa Crossing Salbo Barangay Poblacion’ Datu Saudi Ampatuan’ Maguindanao.
Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command ang napatay na terorista ay kinilala na si Abdulfatah Omar Alimuden o mas kilala sa pangalan bilang si Abu Huzaifah.
Maliban sa pagiging tagapagsalita si Abu Huzaifah sa kanilang grupo kilala rin ito bilang in charged ng Financial Transaaction ng Daulah Islamiya-Philippines to the ISIS central.
Ayon sa kumander ng Western Mindanao Command Chief Lt. General Alfredo Rosario Jr. Malaki ang kawalan ni Abu Huzaifah sa kanilang grupo.
Samantala pinuri naman ni Lt. General Rosario ang tropa ng militar sa kanilang nagawang acomplishment. (KATHRINA ANIÑON | BNFM ZAMBOANGA)
#
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…