LEGAZPI-MAYROON nang persons of interest ang PNP na nasa likod ng pagpatay sa 22 anyos na graduating student at running for cumlaude ng Barangay Hindi Bacacay, Albay.
Kung matatandaan ang biktima ay kinilalang si Rhea Bejerano Boneo na residente ng nasabing lugar.
Ayon sa salaysay ng pamilya, lumabas lamang ang biktima upang magpa cash out ng ipinadala ng kapatid nitong nagta-trabaho sa Sorsogon subalit di na nakauwi.
Alas 12 y media ng madaling araw nang marekober na lamang ang bangkay ng biktima sa isang masukal at madamong lugar ng barangay na sinasabing mayroon itong laslas sa leeg, punit-punit ang damit at pinaniniwalaang ginahasa.
Marami naman ang nagluluksa ngayon dahil ang biktima ay graduating student na sana at running for cum laude sa isang pribadong unibersidad sa lungsod ng Legazpi sa kursong BS Accountancy.
Ayon sa PNP Bacacay, posibleng kinursunada ng suspek ang biktima at sinabayan ito pauwi hanggang sa nagawa ang krime.
Nagpapatuloy na rin ngayon ang sinasagawang imbistigasyon.(BNFM LEGAZPI)
#
LEGAZPI CITY - Kanselado na muna ang isasagawang Simultaneous National Road Clearing Operation sa mga…
Wala na natabang pa ug nakutloan sa iyang kinabuhi ang usa ka siklista human giingong…
Dakop sa akto ang lima ka indibidwal nga nagapatigayon sang illegal gambing nga ginatawag “Cara…
Patay ang isa ka mangunguma matapos ginluthang sang wala matumod nga suspetsado sa Sitio Pari,…
Wala ng buhay nang matagpuan ang isang lalaki sa madamong bahagi ng Barangay Bucal, Sariaya,…
Inaresto ng Quezon City Police District ang isang nagpakilalang fencing coach matapos ireklamo ng pangmomolestiya…