Israel at Hamas, magpapatupad ng 4 na araw na ceasefire

Nagkasundo ang Israel at grupong Hamas na magpatupad ng apat na araw na ceasefire.

Ito ay para mabigyang-daan ang pagpapakawala ng 50 hostage ng Hamas kapalit naman ng pagpakawala ng 150 Palestinong nakapiit sa Israel.

Iyan ang napagkasunduan sa negosasyong pilantsa ng bansang Qatar sa pagitan ng dalawang panig.

Ayon sa gobyerno ng Israel base sa kasunduan, papayagan din ng Israel na makapasok ang mas maraming humanitarian aid sa Gaza strip.

Hahatiin ang pagpapakawala sa maliit na grupo sa loob ng apat na araw at sa kada sampong bihag na madaragdag sa pakakawalan ng Hamas palalawigin din ng Israel ang tigil putukan.

Umaasa naman ang Department of Foreign Affairs na kasama sa palalayain ng grupong Hamas ang dalawang nawawalang Pilipino na posibleng hawak ng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *