Israel hindi mabebenta ang extra COVID vax sa PH, dahil…

Inihayag ng Israeli ambassador to the Philippines na hindi mapapagbigyan ng Israel ang hiling ng Pilipinas na bilhin ang sobra nilang bakuna.

Ayon kay Ambassador Rafael Harpaz, may kontrata sila sa mga pharmaceutical companies kung saan ipinagbabawal ang pagbenta nito sa third country.

Una nang kinumpirma ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na sumulat ang Pilipinas ng letter of intent sa Israel para makakuha ng extra vaccines.

Mababatid na batay sa Johns Hopkins Coronavirus Resource Center, 57.12 percent o 5,074,730 ng mga Israelis ang fully vaccinated na, bagama’t plano nilang mabakunahan ang pitong milyong katao.

Dagdag ni Harpaz, nakamit ng naturang bansa ang bilang dahil sa maaga at mabilis na vaccine rollout, organized healthcare system, at aggressive campaign. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *