Israeli Embassy sa Maynila, nanawagan sa International community na kondenahin ang pag salakay ng Hamas

Nananawagan ngayon ang Israeli Embassy sa Maynila sa international community na kondenahin ang ginawang pag atake ng Hamas sa kanilang bansa.

Sa official statement na inilabas ng Israeli Embassy, hinihimok nito ang mga kaalyadong bansa na suportahan ang Israel.

Iginiit din nilang may karapatan ang Israeli Defense Force na ipagtanggol at depensahan ang kanilang bansa.

Ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss daan-daan na ang nasawi gayundin ang sugatan at nabihag ng hamas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *