ISU-System, nanguna sa intellectual property competition ng DOST Region 2

Nanguna ang Isabela State University-System sa kauna-unahang Research and Development Caravan ng DOST Region 2 bilang may pinaka-maraming naisumite na intellectual property application.

Ang naturang kompetisyon ay pinangunahan ng DOST 02 kung saan nilahukan ito ng iba’t ibang unibersidad at institusyon na kinabibilangan ng ISU-System, Quirino State University, CSU, Nueva Vizcaya State University, Batanes State Colleges, Cagayan National High School, Linao National High School, Lemu National High School, St. Mary’s University, at Nueva Vizcaya General High School.Nanguna ang ISU-System sa nasabing kompetisyon kung saan pinagkalooban ng DOST Region 2 ng 500,000 na halaga ng proyektong ilalaan sa kanilang research proposal.

Kaugnay dito, nakapagsumite ang ISU ng 100 patents, 163 Utility Models, 23 Industrial Designs, 62 Trademarks at 308 Copyrights na may kabuoang 656 submissions.

Pumangalawa naman ang Quirino State University na may kabuoang 79 Utility Models and 93 Copyrights habang pumangatlo ang Cagayan State University na mayroong 81 Utility Models, 7 Trademarks, at 80 Copyrights.

Isinagawa ng DOST 02’s R&D Innovation Management Unit o ReDim Team katuwang sina Engr. Eric Paden at Engr. Manny Mendoza mula Intellectual Property Office of the Philippines ang on-site evaluation sa mga research proposal ng nasabing mga unibersidad at institusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *