Isyu sa teenage pregnancy sa Naga City mas binibigyan ng atensyon ng mga barangay health workers katuwang ang CSWDO personnel

NAGA CITY – Regular na nakikitang nagpapacheck-up sa Barangay Health Center ang mga buntis na nanay kabilang na rin ang ilang mga menor de edad na buntis, para malaman ang kalagayan nilang mag-ina at tuloy mabigyan ng mga kailangang vitamins.

Ang pagbubuntis nila, lalo na ng mga menor ay mahigpit na minomonitor ng mga BHWs para maagapan ang anumang posibleng sakit o epekto ng maagang pagbubuntis na dapat mabantayan.

Nakapanayam naman ng Brigada News FM Naga si Eden San Andres, Social Worker ng City Social Welfare and Development Office, sinabi niyang mas nag-doble ang pagbabantay din nila sa ilang mga BHWs lalo na kung bago pa lang ang mga ito, sa trabaho matapos na i-appoint ng kanilang bago ring Punong Barangay.

Sinabi ni San Andres na anumang rekomendasyon ng mga health care workers sa kalusugan ng nanay lalo na sa first time na magbuntis, agad namang tatalima ang CSWDO para bigyan ng asestensiya lalo na sa medical at maging sa pinansiyal.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *