Italy, inaalok ang COVID-19 vaccines para sa lahat na higit 12-anyos ang edad

Binuksan ng Italy, na isa sa mga European nations na pinakamatinding naapektuhan ng pandemya, ang COVID-19 vaccinations nito para sa lahat na higit sa 12-anyos ang edad.

Ito ay matapos aprubahan ng European Medicines Agency na maiturok ang Pfizer/BioNTech sa mga 12 hanggang 15 anyos noong nakaraang linggo.

Base sa datos ng health ministry, ay pumalo na sa 34-million na tao ang nababakunahan sa kanilang bansa, kabilang na ang 12.4-million, na 23% ng populasyon, ang fully vaccinated na ngayon.

Matatandaan na ang Italy ay ang kauna-unahang European nation na nakaranas sa full force ng COVID-19 pandemic noong 2020 at sa kasalukuyan ay nagawa nito na maitala ang karagdagang 126,000 na nasawi.

Gayunman, malaki na rin ang ibinaba ng mga kaso nitong mga nakaraang linggo, na dahilan para alisin ng Italy government ang maraming restriksyon sa naturang bansa.

Samantala, patuloy naman ipinatutupad sa italy ang curfew at ang limitasyon ng inside dining at ang requirement sa pagsusuot ng face masks.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *