It’s Your Lucky Day, pansamantalang papalitan ang Its Showtime

Opisyal nang inanunsyo ng ABS-CBN ang bagong game show na pansamantalang ipapalabas sa tanghali simula ngayong sabado, na pinamagatang ‘It’s Your Lucky Day.’

Papangunahan ni Luis Manzano ang variety show, na pansamantalang papalit sa “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw.

Makakasama niya ang host na si Robi Domingo, aktres na si Jennica Garcia at ang host at comedienne na si Melai Cantiveros para magdala ng saya sa bagong programa.

Ilang celebrity guest din ang inaasahang makikibahagi sa dalawang linggong palabas.

Magtatampok ang programa ng bagong set ng mga orihinal na laro at segment hanggang Oktubre 27 sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.

courtesy: It’s your lucky day

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *