Itsura ng magiging renovated na gusali ng APSEMO, ipinasilip na rin sa publiko

LEGAZPI CITY – Ipinasilip na sa publiko ang larawan, disenyo at perspective ng magiging bagong renovate na gusali ng Albay Provincial Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na kasalukuyang ginagawa.

Ayon kay Provincial Engineer, Dante Baclao, masisilayan sa loob nito ang mas malawak at kompletong mga kagamitan ng nasabing gusali.

Ang naturang 3-storey guilding, ay maaari nang maging fully operational pagdating ng buwan ng Hulyo o Agosto ngayong taon, ayon sa sakanya.

Maliban dito, maglalagay ng 911 headquarter sa nasabing gusali upang mas maging malakas ang disaster response; maglalagay din ng museo para sa pagbibigay-pugay at paglinang sa kultura at kasaysayan ng lalawigan.

Sinabi rin na ang 911 headquarter at ang museo ay ang mga kauna-unahang programa sa lalawigan na isa rin sa mga prayoridad upang mas mapalakas pa ang human infrastructure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *