Ivana Alawi, nilinaw ang balitang nali-link siya kay Bacolod City Mayor Benitez

Opisyal nang naglabas ng statement ang aktres na si Ivana Alawi matapos ang mga alegasyong kumakalat na may relasyon sila ni Bacolod City Mayor Albee Benitez.

Ayon kay Ivana, dinedma niya sa una ang mga chismis dahil sa kanyang paniniwala, hindi na siya dapat magsalita lalo na’t kapag wala naman siyang ginagawang masama.

Ngunit kinakailangan na raw niyang linawin ang mga walang katotohanang na balita dahil nakakatanggap na siya ng masasakit na salita.

Diretsahan niyang sinabing “HINDI PO AKO ANG NASASABING girlfriend ni Mayor Albee Benitez.”

Nagkakilala lang raw ang dalawa nang mag trabaho siya sa Bacolod, kung saan hindi lang siya ang politikong nakilala at naging kaibigan niya.

Dagdag pa ni Ivana, may boyfriend na siya ngunit hindi ito politician, kung hindi ay isang respetadong businessman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *