Iwas-stress tips para sa mga alagang hayop sa pagdiriwang ng bagong taon, binigyang diin ng Naga City Veteranary Office

NAGA CITY โ€“ Ilang araw bago ang pagdiriwang ng bagong taon, muling binigyang-diin ni Dr. Junios Elad, ang Head ng Naga City Veterinary Office, ang ilang mga tips o mga paalala sa may alagang hayop upang makaiwas ang mga ito sa stress o trauma na dulot ng kaliwaโ€™t-kanang paputok.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Elad, na aso ang karaniwang hayop na sensitibo ang pandinig kung kayaโ€™t mas maiging lagyan ang mga tainga nito ng cotton buds upang hindi sila gaanong maapektuhan ng ingay ng paputok.

Mas mabuti rin aniyang itali ang mga ito o hindi kaya ikulong muna, takpan ng tarpaulin at ilayo sa mga lugar na maiingay o nagpapaputok.

Bagaman, ito lamang ang pinakasimple at pinakamadaling gawin, pinapayuhan rin ng opisina, na ito muna ang bigyan ng pansin bago pa ang mga komplikadong hakbang.

Samantala, bukas naman ang Naga City Veterinary Office pagkatapos ng pagdiriwang ng bagong taon, para sa konsultasyon at check up ng mg alagang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *