Iwasan muna ang pag-selfie habang nasa loob ng simbahan pakiusap ng isang pari sa Naga City sa mga dadalo sa mga aktibidad pang relihiyon ngayong Semana Santa

NAGA CITYKung puwede mabasawan muna ang anumang mga “unnecessary movements” lalo na ang pag selfie habang nasa loob ng simbahan,ito ang isa sa naging paalala at pakiusap ni Fr. Marcel Emmanuel Real,parish priest ng Immaculate Concepcion Parish Church sa Naga City.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Fr. Real,sinabi niya na wala namang masama kung may selfie-selfie sa loob ng simbahan subalit kailangan na iprayoridad ang religious aspect kung bakit nasa loob tayo ng simbahan,iyon ay magdasal,humingi ng tawad sa pamamagitan ng pagmumuni-muni at nilay-nilay.

Anya’y ngayon ang tamang panahon ng pakikipag-usap sa Diyos, kaya nangyayari ang Bisita Iglesia na leisure time na tuloy dahil kasama ang buong pamilya na hindi dapat sayangin ng bawat isa na maipadama ang biyayang ibinigay sa ating lahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *