Jak, tinawag si Barbie bilang kanyang “the one”

Ibinahagi ni Jak Roberto para sa ikaapat na anibersaryo nila ni Barbie Forteza, ang ilang throwback photos nila, kung saan ay idineklara niya na ang aktres ay ang kanyang “the one.”

Ayon kay Barbie na bagamat biruan lang nila ang kanilang pagsasabi sa isa’t-isa na nahanap na nila ang “the one” ay aminado siya na kinikilig siya pag sinasabi ito ni Jak sa publiko.

Naniniwala naman si Jak na hindi sila tatagal ni Barbie kung hindi naman sila meant to be para sa isa’t-isa.

Dagdag ng 27-anyos na aktor, sa kanilang four years na pagsasama ay wala naman silang naranasan na major issues.

Nalalampasan din nila ang kahit anong pagsubok kahit meron pandemya at bago pa nila mapansin ay nakaka-dalawang anibersaryo na sila habang may pandemya.

Samantala, ipinunto naman ng 23-anyos na aktres na ang mahalaga sa relasyon nila ay masaya at consistent ang komunikasyon nila kahit magkalayo sila physically.

Hindi rin anya sila nag-aalala kahit mapaghiwalay man sila ng quarantine dahil feeling secured sila sa kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *