James Yap, kompirmadong parte na ng Blackwater

Kinumpirma ni James Yap na kabilang na siya sa koponan na Blackwater,  ilang linggo lamang matapos niya ianunsyo ang pag-alis niya sa Rain or Shine Elasto Painters.

Malugod namang tinanggap si Yap ng may-ari ng Blackwater team na si Dioceldo Sy.

Bukod sa bagong koponan, magkakaroon din ng bagong jersey number si Yap na no. 15.

Aniya, malaking bahagi sa kanyang karera ang dating jersey number na 18, kaya lubos niyang pinasasalamatan ang Panginoon sa mga natanggap niyang biyaya habang dala-dala niya ang numero na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *