James Yap, nakamit ang unang tagumpay sa ilalim ng koponan na Blackwater

Nakamit ni James Yap ang una niyang panalo sa ilalim ng bago nitnong koponan na Blackwater sa PBA Philippine Cup.

Nagtapos ang laban ng Blackwater laban sa Meralco Bolts sa final score na 96-93.

Suot-suot ang number 15 uniform, umiskor si Yap ng limang puntos sa laro na ginanap kagabi sa Ynares Center.

Sumali siya sa Blackwater matapos niyang tapusin ang walong taong karera sa Rain or Shine, kung saan muli niyang nakasama ang coach na si Jeffrey Cariaso.

Maalalang nakasama niya ito bilang assistant coach sa 2014 Grand Slam season ng San Mig Super Coffee.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *