Jamie Lim at amang si Samboy Lim, pinarangalan ng PSA Awards

Ikinatuwa ng Filipina karateka na si Jamie Lim na i-share ang kanyang spotlight  sa kanyang yumaong ama na si Samboy Lim, sa Philippine Sportswriters Association Awards Night.

Ito’y matapos makatanggap si Jamie ng parangal sa pagkapanalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games sa Cambodia, habang pinarangalan naman si Samboy ng Lifetime Achievement Award.

Tinanggap ni Jamie ang award ng kanyang ama, kasama ang ina nitong si Atty. Darlene Berberabe.

Saad ng Filipina karateka sa kanyang speech, lubos niyang iniidolo ang kanyang ama sa larangan ng sports.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *