Janella Salvador, usap-usapan ang naging guesting sa noontime show

Usap-usapan ang naging guesting ni Janella Salvador sa isang noontime show matapos nitong mag-joke sa mga hosts na sina Kim Chiu, Karylle, at iba pa.

Nang bisitahin kasi ni Janella ang show, kasama ang Thai actor na si Win Metawin para i-promote ang kanilang pelikula, agad siyang pina-sample ng Kim Chiu para sa kanyang ni-release na kanta.

Ngunit laking gulat ng mga netizens nang sabihin ni Janella na, “Medyo paos ako today, kayo na lang.”

Bukod sa pang ba-bash ng ilang netizens dahil parang hindi naging maganda ang sagot ng aktres sa host, hindi rin nakaligtas si Janella sa panunukso ni Vice Ganda.

Ginawa kasi itong biro ni Vice sa isang segment nang pa-sample-in nila ang isang contestant, ngunit sabay banat ng “Medyo paos kasi siya today, kayo na lang.”

Saad naman ng netizens, pabirong sinabi ni Janella ang mga salitang yun kaya’t huwag na lang sana bigyan ng meaning.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *