Japan ex-prime minister Shinzo Abe, pumanaw na matapos pagbabarilin sa gitna ng kanyang campaign speech

NARA, Japan– Kinumpirma ng Japanese media ang pagpanaw ni dating Japan Prime Minister – Shinzo Abe, walong oras matapos itong pagbabarilin sa gitna ng kanyang election campaign speech umaga nitong Biyernes sa drab traffic na bahagi ng Western City sa Nara, Japan.

Batay sa ulat, nahirapan na umano ang doktor na i-revive ang former Japanese leader at tuluyan itong binawian ng buhay alas 5:03 ng hapon. (PH Time) (0803 GMT).

Ayon sa pahayag ng isang doktor sa isang nationally televised news conference, dalawang tama umano ng baril ang tinamo ng dating punong ministro kung saan isa sa mga ito ay sa kanang bahagi ng kanyang leeg at isa naman sa left clavicle.

Batay naman sa isang fire department official, tila nasa  estado na umano ng ‘cardiac arrest’ si Abe habang isinusugod ito sa ospital.

Samantala, agaran namang naaresto ng mga otoridad ang 41-anyos na lalaking itinuturong suspek sa pamamaril sa dating Japanese leader, at kinilala ito sa ngalang Tetsuya Yamagami na tahasang sinabi sa mga otoridad na hindi pa siya kumbinsido sa kinahinatnan ni Abe at nais niya pa itong patayin habang isinusugod sa ospital ang ministro.

Matatandaang pasado alas 11:30 ng umaga nitong Biyernes (PH time) nang umalingawngaw ang dalawang putok ng baril sa nabanggit na lugar habang nagbibigay ng political speech ang tinaguriang ‘longest serving leader’ sa bansang Japan.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *