Japan inalerto ang mga residente matapos magpakawala ng missile ang North Korea

Pinayuhan ng Japanese government ang kanilang mga residente na mag-ingat at magtago matapos magpakawala ng ballistic missiles ang North Korea malapit Japan Sea.

Sinabi ng Japan na ang naturang missile ay tumama sa labas lamang ng kanilang exclusive economic zone na tinatayang 3,000 kilometers east ng bansa sa bahagi ng Pacific Ocean.

Mariin naman itong kinondina ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida at tinawag na malaking ‘kabalbalan’ ang ginawang hakbang na ito ng North Korea.

Agad naman naglabas ng alerto ang Japanese government sa mga residente ng Hokkaido at sa hilagang-silangan na prefecture ng Aomori na manatili sa loob ng mga gusali.

Kinansela din ang ilang biyahe ng tren sa naturang mga lugar dahil sa pangamba ng mga ‘falling debris’ mula sa ballistic missile.

Ito ang unang pagkakataon na muling nagpalipad ng missile ang North Korea sa Japanese territory simula noong 2017.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *