Japan, mag-iisyu ng vaccine passport para sa overseas travel

Inanunsyo ng Japan na gagawa ito ng vaccine passport na magiging available para sa lahat ng Japanese travelers sa susunod na buwan.

Kasabay ito ng patuloy na pag-eeksperimento ng mga gobyerno mula sa iba’t-ibang panig ng mundo gamit ang mga paraan na magbabalik sa turismo at business trips.

Sinabi ng government spokesman na si Katsunobu Kato na magiging paper-based ang certificate of vaccination imbis na digital.

Anya, ang mga local governments ang mag-iisyu ng naturang dokumento para sa kanilang mamamayan.

Kaugnay nito ay naghahanap na rin ang European Union ng paraan para makabuo ng digital vaccine passport ngayong summer upang ma-welcome na nito ang mga kinakailangan nilang mga turista.

Plano rin ng ilang bansa sa EU na ipakilala ang mga certificates sa national level.

Inaasahan naman na nakapaloob ang mga impormasyon ng byahero sa EU version kung saan ay pwedeng malaman kung nabakunahan na ito, kung nag-negatibo ang indibidwal sa virus, at kung dati na ito nagkaroon ng virus o naka-recover mula sa sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *