Japan, may mas mabigat na multa at parusa para sa cyberbullying incidents

Nagpataw ang bansang Japan ng mas mabigat na multa at parusa para sa cyberbullying incidents at online insults sa bansa.

Base sa kanilang inilabas na revised Penal Code, maaari ng magmulta ang sinumang maaakusahan ng nasa 300,000 yen o 2,200 dollars na dating 10,000 yen lamang.

Ang dating 30 days naman na pagkakakulong ay magiging 1 hanggang 3 taon na dahil sa naitalang ilang kaso ng cyberbullying sa Japan.

Samantala, matatandaang nag-suicide ang 22-year-old na professional wrestler na si Hana Kimura dahil sa ilang masasakit na mesaheng natanggap niya sa social media. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *