Japan, nagdagdag ng $660 million na budget para sa mga nasalanta ng lindol

Magdadagdag ang Japan ng karagdagang $660 million para sa budget ng rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar sa nagdaang lindol noong bagong taon.

Dahil dito, nasa $1.7 bilyon na ang kabuaang halaga ng relief budget ng gobyerno para sa nasabing kalamidad.

Inanunsyo ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang bagong financial aid matapos niyang bisitahin ang mga lugar na naapektuhan, upang personal niyang masuri ang sitwasyon.

Nangako naman siyang maaprubahan agad ng Gabinete ang karagdagang budget sa mga susunod na araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *