Japan naitala ang ‘record low’ sa bilang ng mga sanggol na ipinapanganak

Naitala ang ‘record low’ sa bilang ng mga batang ipinapanganak sa bansang Japan.

Ayon sa Japanese Health Ministry noong 2020 umabot lamang sa 840, 832 ang bilang ng mga ipinanganak na sanggol mas mababa ng 2.8% kumpara noong nakalipas na taon.

Pinakamababa din ito simula ng mag-umpisa ang pagtala sa mga bagong panganak sa Japan noong 1899.

Dahil sa pagbaba ng birth rate ikinababahala sa bansa ang ‘aging population’ pati na ang pagbulusok ng workforce.

Ayon sa mga eksperto maituturing umanong “super-aged” nation ang Japan kung saan 20% ng kanilang populasyon ay may edad ng higit sa 65-anyos.

Noong 2018 umabot sa 124 million ang populasyon ng naturang bansa at pagdating ng taong 2065 bababa ito ng 88 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *