Japan Prime Minister Kishida, nakatakdang bumisita sa Pilipinas ngayong araw

Nakatakdang bumista ngayong araw si Japanese Prime Minister Fumio Kishida upang pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea (WPS) at Official Development Assistant (ODA) ng Japan.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na bibigyang-diin sa pagbisita ni Prime Minister Kishida sa bansa ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.

Opisyal namang tatanggapin ni Pangulong Marcos si Prime Minister Kishida sa isasagawang welcome ceremony sa Malacanang ngayong araw.

Si Prime Minister Kishida ay mayroon nakatakdang official visit sa Pilipinas mula ngayong araw hanggang bukas Nobyembre 4, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *