Japanese melon, naibenta ng P1.2-million sa isang auction

Hokkaido, Japan—Isang pares ng Yubari melon sa Hokkaido, Japan ang naibenta sa halagang ¥2.7 million o katumbas ng P1.2-million sa isinagawang auction sa Sapporo Central Wholesale Market.

Ayon sa local media, 22 beses umanong mas mataas ang naging presyo ng mga premium melons ngayong taon kumpara sa mga nakalipas na auctions.

Ganun na lamang kamahal ang presyo nito dahil ang Yubari melon ay kilala bilang isang “seasonal delicacy” kung saan tumutubo lamang ito sa Yubari City at piling rehiyon sa buong Japan.

Maliban dito, ang mga Yubari melons ay mayroon din umanong “cultural value” at kilala rin dahil sa kakaiba nitong tamis. Ang Hokkaido Products Ltd. na pagawaan ng baby food sa Hokkaido ang nakabili ng mga nasabing melon at ayon sa pamunuan nito, kanila itong ipamamahagi sa mapipiling sampong pamilya sa nasabing lugar.-30- || BNFM BICOL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *