Japanese space rocket, sumabog ilang segundo makalipas ilunsad

Sumabog ang Kairos rocket ng Japanese company Space One ilang segundo pagkatapos itong i-launch sa baybayin ng Wakayama.

May bitbit itong maliit na government test satellite na maari sana makatulong sa expansion ng mga serbisyo sa space.

Ngunit makalipas ang limang segundo sa pag-launch ng rocket, pumutok ito at umapoy, na nagdala ng usok sa palagid ng bulubundukin.

Saad ni company president Masakazu Toyoda, tinatanggap nila ang nangyare at handa silang simulan muli ang panibagong hamon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *