Jason Hernandez, itinangging nakahanap na ng bagong pag-ibig

Mariing itinanggi ng singer-songwriter na si Jason Hernandez na nakahanap na siya ng bagong pag-ibig.

Kamakailan nang pag-usapan sa social media ang misteryosong babaeng piost niya sa kanyang instagram account. Kasama rin ang babae sa kanyang bagong music video

Sa kanyang Instagram Story , muli niyang ipinost ang larawan nila ng babaeng pinaghihinalaan noong bago niyang karelasyon.

Ayon sa kanya, mas mabuti na raw na sa kanya manggaling na walang katotohanan ang mga naunang espekulasyon.

Ang babae ay si Sumaya McEvoy, na isa niyang kaibigan mula sa El Nido, Palawan na naging game raw na makasama sa shoot ng kanyang music video.

Diin pa ni Jason, wala siyang girlfriend dahil siya’y kasal pa at hindi pa magkakaroon habang hindi pa natatapos ang kanyang annulment sa ex-wife na si Moira dela Torre.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *