Jazz 2-0 na kontra Clippers sa West semis

Napigilan ng Utah Jazz ang sana’y comeback upset ng Los Angeles Clippers sa Game 2 ng Western Conference playoffs series, 117-111.

Ito ay matapos ang makabalik sa laro ang Clippers sa 4th quarter at muntikan nang masilat ang Jazz kahit na natambakan na ng hanggang 18 puntos.

Muling pinatunayan ni Pinoy pride Jordan Clarkson kung bakit hinirang siyang 6th Man of the Year matapos humakot ng 24 points off the bench.

Nagpakita din ng mala-halimaw na performance si Donovan Mitchell na kumamada ng 37 points.

Sa panig ng Clippers, 29 puntos ang naitala ni Reggie Jackson na isa sa mga dahilan kung bakit nakahabol ito sa huling quarter ng laro.

May 29 points naman si Kawhi Leonard at 27 points si Paul George subalit hindi pa rin ito sapat para makuha ang Game 2.

Gaganapin naman ang Game 3 sa home court ng Clippers sa Linggo, June 13.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *