Jeepney and Multicab Assoc., pabor na bumili ng modern jeepney na gawa sa Pilipinas

Naniniwala ang local public transport association sa Puerto Princesa na mas makakatipid ang mga driver operator kung sa Pilipinas bibili ng modernong jeepney para sa PUV modernization program.

Ayon kay President Jack Resuma ng Multicab and Jeepney Association sa Puerto, subok na kasi na matibay ang gawang pinoy at mura pa.

Sa kanyang palagay, kapag sa pilipinas nabili ang mga modern jeepney ay aasahan nilang mas mababa ang kanilang monthly amortization o babayaran dito buwan-buwan.

Sa pagtataya, aabot sa P1.7-1.8 million ang gagastusin sa bawat unit ng mga kooperatiba na magpapatupad ng programa.

Una rito, inalmahan ni Sen. Raffy Tulfo ang pag-aangkat ng modern units ng jeepney mula sa China, na siyang ipampapalit sa mga lumang pampasaherong jeep.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *