Jimmy Alapag, bahagi na ng coaching staff ng Sacramento Kings sa NBA

Kabilang na sa coaching staff ng Sacramento Kings sa NBA ang dating PBA star na si Jimmy Alapag.

Ayon sa 45-anyos na si Alapag, ‘dream come true’ ang bagong oportunidad na makasama kay Coach Mike Brown at sa staff nito bilang isang Player Development Coach sa nalalapit na NBA season.

Kung maaalala, naglaro si Alapag para sa Talk n’ Text noong 2003 hanggang 2015, at nakapag-uwi na ito ng anim na PBA titles bago niya opisyal na tapusin ang kanyang karera sa basketball kasama ang Meralco Bolts noong 2016.

Maliban dito, nagsimula siya sa kanyang coaching career sa PBA bilang assistant coach para sa Meralco at San Miguel Beermen.

Naging bahagi rin ang dating Gilas Pilipinas star sa coaching staff ni Tab Baldwin matapos nitong magretiro sa paglalaro ng basketball.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *