Jimmy Bondoc – isa nang ganap na abogado

Isa ang singer-songwriter na si Jimmy Bondoc na nakapasa mula sa higit 3K examinees sa 2023 Bar Exam.

Kinumpirma ito ni Jimmy sa kanyang social media account.

Biro pa ng netizens, ‘Objection your honor – Let me be the one.’

Nagsimulang mag-aral ng Law ang singer taong 2017 sa San Beda University sa edad na 42-anyos.

Sabi noon ni Jimmy na ‘lifelong dream’ nito ang pag-aaral ng batas.

Nagtapos siya sa University of the East College of Law habang nagsisilbi bilang board of directors ng PAGCOR.

Una siyang pumasok sa PAGCOR nang italaga bilang assistant Vice President for entertainment ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Aniya, bukas siya sa posibilidad na bumalik sa serbisyo publiko in the future.

Kilala si Jimmy sa kanyang mga kanta tulad ng Let Me Be the One, Forever More, at Tuwing Umuulan.

PHOTO COURTESY: RED IMAGES

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *