J&J, handa na para sa roll out ng COVID-19 vaccine nito sa Europe

Inanunsyo ng Johnson & Johnson na handa na ito sa pag-resume ng COVID-19 vaccine roll out nito sa Europa.

Kasabay nito ay iminungkahi ng European Medicines Agency ang paglalagay ng babala tungkol sa blood clots na may mababang platelet count sa product label ng bakuna.

Gayunman, binigyang diin ng medical regulators ng rehiyon na mas matimbang pa rin ang benepisyo na pwedeng makuha sa bakuna kaysa sa banta ng “very rare” at “potentially lethal blood clots.”

Kung maalala ay pansamantalang pinatigil ng US regulators ang paggamit sa one-dose vaccine ng kompanya matapos maiulat ang rare brain blood clots at low blood platelet count sa anim na kababaihan.

Naging dahilan yan para i-delay ng nasabing kompanya ang roll out ng bakuna nito sa Europa.

Mababatid na nasa halos 8-milyong tao sa US ang naturukan gamit ang J&J vaccine bago ito ipinatigil.

Samantala, tiniyak naman ng kompanya na tatapusin nito ang kanilang commitments na maipadala ang 200-million doses ng bakuna sa Europe at 100-million naman sa Amerika. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *