JM de Guzman at Malaysian actress Carmen Soo, bibida sa “The Iron Heart” season 2

Mas kaabang-abang ang susunod na mga tagpo sa ikalawang season ng hit na aksyon serye na “The Iron Heart” dahil sa mga bagong casts.

Kabilang sa mga magdadagdag ng tensyon sa serye ay ang aktor na si JM de Guzman at ang nagbabalik na si Malaysian actress Carmen Soo.

Pinakilala rin sa isinagawang presscon ang iba pang casts na kinabibilangan nina Alex Medina, Richard Quan, Fabio Id,  Ruby Ruiz, Igi Boy Flores, Anna Luna, Ruben Soriquez, Krystal Brimner at Cris Villanueva.

Gagampanan ni JM ang papel ni Bro. Joseph, isang religious leader sa serye.

Ayon kay JM, naging mabilis ang kanyang pag-aadjust sa bagong role sa serye dahil sa tulong ng kanyang mga co-stars na sina Richard Gutierrez (Apollo) at Jake Cuenca (Eros).

Malalaman pa sa mga susunod na eksena kung magiging kakampi si JM ni Apollo o magiging kalaban.

Dahil sa intense ang mga action scenes ay sinabi ni JM na matinding paghahanda ang kanyang ginawa para maiwasan ang injuries.

“Dahan-dahan na rin akong nagpe-prepare physically like running..stretching..para maiwasan ang injury.” ani JM.

Samantala, maraming pasabog ang aabangan sa panibagong season dahil isang misyon muli ang papasukin ni Apollo sa pagpasok ng Altare.

Dito na papasok ang karakter ni Harmonia (Carmen Soo) na gusto siyang kunin bilang agent para pabagsakin din ang nasabing organisasyon.  

Bukod naman sa mga bagong karakter, naglabas na rin ng Star Creatives ng pasilip sa bagong bersyon ng kanilang themesong na “Sino Ka Ba?” na kinanta ng SB19 members na sina Josh Cullen at Pablo. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *