JMR coliseum kasama sa pinagaaralan ng lungsod na iparenta upang makapag generate ng income

NAGA CITY – Pinag-aaralan din ngayon ng lungsod ng Naga na kung maisasama sa proposal sa Sangguniang Panlungsod ang usapin na ilipat sa pribado o iparenta ang Jessie M Robredo Coliseum ng sa gayon magamit at mag generate ng income.

Sa panayam ng Medya at Brigada News FM Naga kay City Administrator Elmer Baldemoro, sinabi nitong nakasalang pa sa Sanggunian Panlungsod ang naturang proposal, at pinag-aaralan kung magiging paborable ba sa lungsod.

Sa ngayon kasi ay isa ang JMR sa mga pasilidad ng Naga na hindi naggegenerate ng income dahil sa hindi mapakinabangan o magamit.

Naayos na ang problema sa bubong, at susunod ang flooring, pero ipinatigil muna ang pagrepaire dahil sa paparating na aktibidad ngayong Peñafrancia Fiesta.

Matatandaan na may naghain ng proposal sa Sanggunian upang gawing pribado o ipamanage sa isang institusyon ang Naga City Sports Complex para maging maayos ang nasabing mga pasilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *