Jo Koy, magho-host sa Golden Globes

Inanunsiyo ng Golden Globes na ang Fil-am comedian at actor na si Jo Koy ang magho-host ng nasabing awards show para sa susunod na taon.

Ayon kay Jo Koy, nasasabik siyang pangasiwaan ang party na magsisimula ng tatlong buwang mga seremonya sa industriya ng pelikula.

Dagdag pa nito na kahit marami na siyang natuntungang entablado ay magiging sobrang espesyal ang kanyang hosting stint sa Golden globes.

Kilala si Jo Koy sa kanyang relatable comedy na kumukuha ng inspirasyon sa kanyang makulay na pamilyang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *