Job fair ng DOLE Bicol sa Legazpi, dinagsa; minimum wage increase sa Bicol, epektibo ngayon

LEGAZPI CITY โ€“ Bago pa man magbukas ang SM City Mall sa Legazpi City, hindi na maikakaila ang dagsa ng mga tao upang makiisa sa Job Fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol kaugnay ng kanilang ika-90 taong anibersaryo.

Alas nwebe ng umaga kasi ang pagsisimula nito subalit marami na ang mga nakapila sa labas ng mall bago mag-umpisa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOLE Regional Spokesperson Johanna Vi Gasga, sinabi niya na mahigit 5,000 mga bakanteng trabaho ang inoffer sa job fair.

Makikita naman sa loob ng venue ang napakaraming mga interesadong makahanap ng trabaho sa nasabing aktibidad.

Aniya, hindi lang naman job fair ang inihanda nilang aktibidad, kundi mayroon ding Kadiwa and Livelihood Program kung saan ipapakita ang produkto ng mga benepisyaryo ng Integrated Livelihood Program.

Samantala, ngayong araw din, epektibo na ang minimum wage increase sa buong rehiyon, kung saan madagdagagn ng PHP30 ang arawang kita ng mga manggagawa.

Mula sa PHP365, magiging PHP395 na ang minimum wage sa Bicol.

Sa kaparehong panayam kay Gasga, sinabi niya na makikita nila kung nag-reflect na ang dagdag na PHP30, sa oras na matanggap na nila ang kanilang sahod.

Aniya, kung may employer naman na dati nang nagbibigay ng above minimum wage sa manggagawa, wala naman itong problema bastaโ€™t hindi na bababa sa PHP395.

Ayon pa kay Gasga, bukas ang kanilang opisina kung mayroong mga katanungan o kung may ipapaabot na reklamo ukol dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *