Job order employees exempted na rin sa pagbabayad ng Annual registration fee simula Enero 22

CAMARINES NORTE- Hindi na kailangang bayaran ng mga business taxpayer ang Annual Registration Fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR) simula sa Enero 22 ng taong kasalukuyan.

Batay ito sa abiso ng Revenue District Office No. 64, Talisay, Camarines Norte alinsunod  sa nilagdaang Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Act.

Sa maikling mensahe sa Brigada News FM Daet sinabi ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na kasama ang mga job order employees sa exempted sa pagbabayad ng ARF.

Pero dahil sa Enero 22 pa ang effectivity ng naturang batas ay marami na rin ang nakapagbayad ng ARF simula pagpasok ng Enero.

Sa katunayan, palaging dagsa na naman ang mga taxpayers sa opisina ng RDO 64.

Sa ilalim ng nabanggit na batas, exempted na ang business taxpayers sa paghahain ng BIR Form No. 0605 at pagbabayad ng ₱500 ARF bago sumapit ang katapusan ng Enero ng bawat taon.

Ang mga taxpayer naman na may kasalukuyang BIR Certificate of Registration (COR) na may kasamang registration fee ay mananatiling valid.

Mababasa ang advisory sa labas ng opisina ng BIR sa bayan ng Talisay gayundin ang bahagi ng pahayag ni Commissioner Romeo “Jun” Lumagui Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *