Joint communique ng Pilipinas at Czech Republic, nakatakdang lagdaan ni PBBM

Inaasahang lalagda sa joint communique para sa bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang pagbisita sa nasabing bansa.

Sa press briefing sa MalacaƱang, ibinahagi ni Department of Foreign Affairs Asst. Secretary Maria Elena Algabre ang mga schedule ni Pangulong Marcos sa kanyang biyahe sa Germany at Czech Republic sa susunod na linggo.

Layunin ng joint communique na patibayin ang mga kasunduan para sa pagpapalakas ng proteksyon sa mga Overseas Filipino Workers o OFW.

Binanggit din ni Algabre na nais ng Czech Republic na hikayatin pa ang mga Pilipino, lalo na ang mga skilled at professional worker, na magtrabaho sa kanilang bansa.

Sa katunayan itataas nila ang quota sa mga tatanggaping Filipino workers sa sampung libo kada taon.

Sa kasalukuyan, may pitong libong manggagawang Pinoy na nagtatrabaho sa Czech Republic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *