Joint guidelines para sa pag-aresto sa mask violators, ilalabas na bukas- DOJ

Maglalabas ng joint guidelines ang Department of Justice (DOJ) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pag-aresto at pagkulong sa mga lalabag sa COVID-19 safety measures partikular na ang mga di nagsusuot ng face mask o di ito isinusuot ng maayos. 

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sumang-ayon si Interior Secretary Eduardo Año na aprubahan ang guidelines na binalangkas ng DOJ. 

Fina-finalize pa umano ang ilang laman ng alituntunin atsaka ilalabas bukas. 

Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulisya na imbestigahan at ikulong sa loob ng siyam na oras ang mga taong walang suot na mask o di maayos na isinusuot ang mask sa mga pampublikong lugar. 

Mababatid na inihayag ng Malacanang na mayroong mga ordinansa sa minimum health protocols na pinapayagan ang warrantless arrest bago ipatupad ang penalty laban sa mga violators.

Leave a Reply

Your email address will not be published.