Joint maritime drills – hindi sinadya para i-provoke ang China ayon sa PCG

Hindi na raw nagulat ang Philippine Coast Guard sa ginawang aerial at naval patrol ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaan kasing sinabayan ng China ang ginawang joint drills ng Pilipinas, Amerika, Australia, at Japan kahapon.

Muling idiniin ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang ginawang multilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) kasama ang Amerika, Japan, at Australia, ay walang tina-target na sino mang bansa.

Hindi rin daw ito sinasadya para i-provoke ang China, at palalain pa ang tensyon sa mga pinag-aagawang teritoryo.

Aniya, ang pangunahing layunin lang nito ay patatagin pa ang security alliance sa Amerika, at ng mga ‘like-minded states’.

Ikinasang multilateral Maritime Cooperative Activity sa WPS sa patigan ng Pilipinas, US, Japan, at Australia – posibleng masundan pa ayon sa DND

Umaasa ang Department of National Defense (DND) na marami pang mga bansa ang makikilahok sa mga Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay kasunod ng matagumpay na multilateral MCA kasama ang Amerika, Japan, at Australia.

Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong – maaaring makilahok pa ang iba pang mga strategic partners gaya ng Canada at United Kingdom.

Wine-welcome daw nila ang mga ganitong uri ng oportunidad kasama ang mga ‘like-minded countries’ na layong patatagin pa ang kakayahan ng ating Sandatahang Lakas, at gayun din ang pag-improve sa interoperability kasama ang mga naturang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *