Joint meeting isinagawa para tiyakin ang kahandaan ng Holy Week Special Operation Task Force

SORSOGON CITY – Nagpulong ang Holy Week Special Operation Task Force na kinabibilangan ng Provincial Tourism Office, MARINA, PCG, PNP, at BFP upang matiyak ang kahandaan ng grupo para sa pagsisiguro ng kaligtasan ng lahat ng mga turista na bibisita sa Subic Beach sa bayan ng Matnog.

Dumalo din sa meeting ang lahat ng mga boat operators para sa boat rotation schedule ng island-hopping tour na iniaalok sa nasabing isla.

Samantala, isinagawa din ang pagpupulong sa mga Resort Owners sa nasabing lugar upang pagsama-samahin ang mga booking at reservation ng mga bisita.

Pangunahing agenda ng pulong, ang ‘carrying capacity’ ng isla upang maiwasan ang pagdagsa ng mga turista sa darating na Semana Santa.  

Nagsagawa din ang mga ito ng ocular inspection at monitoring sa Subic beach at iba pang mga resorts sa nasabing lugar bilang bahagi ng daily special operation ng Matnog Tourism Office katuwang ang Philippine Coast Guard.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *