Joint memorandum circular ng DOJ, DILG AT PNP ukol sa paggawa ng holding facility para sa madadakip na quarantine-related violators sa Naga City, pinatatalakay

NAGA CITY- May mga tumaas ang kilay sa tarpaulin sa isang barangay sa Naga City na nakasaad ang mataas na penalidad sa mga quarantine violators.

Mula P5K hanggang P50K kase ang multang maaring ipataw. P5K para sa hindi susunod sa social distancing at wala o mali ang pagsuot ng facemask, P50K naman sa 15-anyos at pababa na mahuhuling nasa labas ng bahay pati tumatambay.

Sa Regular session ng Sanguniang Panlungsod kahapon; sa privileged speech at sa panayam ng Brigada News FM Naga sinabi ni Coun. Lito Del Rosario na dapat talakayin lalo pa sa council ang bagong Joint Memorandum Circular ng Department of Justice , Department of Interior and Local Government at Philippine National Police . Nakapalaman dito ang paggawa ng holding facilities. Upang hindi magsiksikan sa mga presinto.

Pagpupunto pa ni Del Rosario dapat maging malinaw din ang basehan ng mga penalidad , dapat aniya ay tinggan ang ordinansa ng LGU.

Una nang sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na dapat maging istrikto sa pagpapsunod ng mga ordinansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *