Joint military drills kasama ang Australia, nakadepende sa sitwasyon sa WPS

Nakadepende sa init ng tensyon sa West Philippine Sea ang pag schedule sa joint military drills ng Pilipinas at Australia.

Sa recorded interview kay Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nitong kailangan munang suriin ang sitwasyon kung gagawing taunan ang military drills dahil ibabatay muna kung tumataas o bumababa ang threat at tension levels sa WPS.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na makikinabang ang mga Pilipino sa naturang exercises, dahil hindi lang ito limitado sa depensa at security kundi maging sa disaster preparedness at disaster assistance.

Kaya naniniwala ang Presidente na magiging kapaki-pakinabang sa Pilipinas ang military drills kasama ang Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *